Lalaki, sugatan matapos masaksak sa inuman na nauwi sa bugbugan at saksakan sa Batangas city!

Nagpapagaling na ngayon sa ospital ang isang lalaki matapos masaksak ng nakatakas na lasing na suspek makaraang mauwi sa bugbugan at saksakin ang masaya sanang inuman sa Brgy. Cuta, Batangas City, kahapon ng Linggo, Enero 22, 2023.

Kinilala ang biktima na si Arron Paul Balbastro y Nostrales, 26 at resident ng naturang barangay.
Nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Jan Morris Beldad Javier, 27 anyos, service crew at residente ng Brgy. Kumintang Ilaya, Batangas City.

Ayon sa Batangas City Police Station, inireport ito sa kanila ng barangay tanod matapos na humingi ng tulong ang nasaksak na biktima.

Batay sa imbestigasyon, nag-iinuman umano ang suspek at ang pinsan ng biktima na si Marc Antony Carpio Bacsa, 29 anyos, na nauwi sa isang mainit na pagtatalo dahil sa kalasingan.

Sinuntok umano ng suspek si Marc dahil sa kanilang mainit na pagtatalo.

Agad na umalis ang biktima at humingi ng tulong sa kanyang pinsang si Arron.

Bumalik ang magpinsan at pinagtulungang bugbugin ang suspek ngunit mayroon itong kutsilyo kaya nasaksak sa iba’t-ibang bahagi ng katawan si Arron.

Kumaripas ng takbo ang suspek habang nagawang makahingi ng tulong ang magpinsan.

Sinabi sa Brigada Batangas ng imbestigador na si PCpl. Aries Mauhay, kapwa lasing ang pangalawang biktima at suspek at hindi nalaman kung ano ang dahilan ng kanilang pag-aaway sa inuman.

Pinaghahanap na ang nakatakas na suspek na posibleng maharap sa kasong Frustrated Homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *