Lalaki, sugatan matapos sasaksakin ng kainuman sa Polangui, Albay

LEGAZPI CITY – Isang 36 anyos na lalaki ang nagtamo ng sugat matapos itong sasaksakin ng kanyang kainuman sa Brgy. Matacon, Polangui, Albay.

Kinilala ang biktima na si Adrian Ponggan y Tagapan, may asawa at residente ng Purok Bougainvillea, San Antonio, Dipolog City, habang ang suspek naman ay si Nobert Elcano, residente ng Brgy. Caurasan, Bula, Camarines Sur.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na pawang construction worker sa isang gasolinahan ang biktima at suspek at nag-iinuman sa kanilang barracks sa likod ng under construction na gasoline station sa lugar.

Sa gitna ng inuman, nagkaroon ng pagtatalo ang dalawa tungkol sa kanilang trabaho.

Ayon sa saksi na si “Lerry”, pumunta ang suspek sa kusina at kumuha ng kutsilyo, pagbalik nito, dito na niya hinabol ang biktima saka ito’y sinaksak sa bandang ibabang kaliwang tiyan.

Matapos ang insidente, tumakas ang suspek patungo sa direksyon ng Bato, Camarines Sur, dala ang patalim na ginamit sa pananaksak.

Agad na nagsagawa ng follow-up investigation at hot-pursuit operation ang mga tauhan ng Polangui MPS laban sa nabanggit na suspek.

Samantala, dinala ang biktima sa JBDAPH, Ligao City para sa medikal na atensyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *