Lalaki, tiklo sa drug buy-bust operation Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Tiklo ang isang lalaki sa isang drug buy-bust operation sa isang hotel sa Doña Maria Subd., Purok 10, Brgy. Tagas, Daraga, Albay.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rene”, 45 anyos at residente ng Brgy. Pawa, Legazpi City.

Ayon sa report, nagsagawa ng anti-illegal drug operation ang Daraga MPS sa lugar, kasama ang iba pang yunit ng mga operatiba laban sa suspek.

Positibong itong kumagat sa pain matapos pagbentahan ang poseur buyer ng isang heat-sealed transparent plastic sachet na may lamang pinaniniwalaang “shabu” at may timbang na 0.8g na nagkakahalagang PHP 4,500.

Narekober pa sa kanya ang siyam na piraso ng kaparehong item na may timbang na 50g na nagkakahalagang PHP 340,000 at ang perang ginamit bilang buy-bust money.

Ang suspek kasama ang mga nakuhang ebidesya ay pansamantalang dinala sa himpilan ng pulisya, habang inihahanda ang kasong isasampa sa kanya na paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *