Lalaki timbog sa isinagawang Search Warrant

Sta. Clara Kalamansig. KALABOSO sa nagpapatuloy na Anti Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang isang lalaki matapos ang isinagawang search warrant operation pasado alas 6:15 ng umaga June 23, 2021 sa Sitio Labak, Barangay Sta. Clara, Kalamansig Sultan Kudarat.

Kinilala ni Police Major Randy M. Eliarda COP ng Kalamansig MPS sa pinagsanib na pwersa ng 2nd SKPMFC na pinangungunahan ni PCapt. Leonel V. Delasan, SKPIU/PDEU at PDEA ang suspek na si Maddy Mamantar alyas Madi residente sa nabanggit na lugar.

Nakuha sa pamamahay ng suspek ang limang (5) maliliit na plastic transparent sachets naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang methamphetamine hydrochloride o kilalang “shabu”Nangyari ang matagumpay na operasyon dahil sa isinilbing Search Warrant na pirmado ni Acting Presiding Judge Allan Edwin P. Boncavil ng RTC branch 19, Isulan Sultan Kudarat na may petsang June 22, 2021.

Sa ngayon himas rehas na ang suspek at mahaharap sa kasong Violation of Section 11 and Section 12 of RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published.