Lalaki, tinaga ang kapatid habang natutulog sa Tupi, South Cotabato

Tinaga ang isang lalaki ng kanyang kapatid habang itoy mahimbing na natutulog.

Kinilala ng Tupi Municipal Police Station ang biktima na si Renato Casi 30 anyos at ang suspek ang kinilalang si Ruben Casi 37-anyos na parehong nakatira sa Purok 5, Barangay Acmonan, Tupi South Cotabato.

Sa nakuhang impormasyon sa Brigada News FM Gensan na si PSMS Rhea Gatinao ang spokesperson sa Tupi MPS na matagal ng may personal na away ang magkapatid, pero hindi ikanakala ng pamilya na umabot sa pamamaslang.

Samantala ayon kay Rommy Piang isang respetadong personahe sa kanilang purok na galing sa piyesta ang biktimang si Renato at ng makauwi at nagpahinga , biglang pumasok ang susek na si Ruben sa kwarto at tinaga sa mukha ang kanyang kapatid.

Sinasabing nakita sa anak ng biktima ang nangyari at mabilis itong tumakbo para humingi ng tulong at nasaksihan din mismo ng asawa ng biktima ng ginilitan mismo ni Ruben ang kanyang leeg matapos mataga ang biktima.

Dead on the spot ang suspek na si Ruben samantala mabilis na dinala sa hospital si Renato.

Ayon sa kapulisan na makonsidera itong case closed dahil sa pagkamatay ng suspek.

Lumabas din sa imbestigasyon na ito ang pang apat na pagkakataong sinubukang tapusin ng suspek na si Ruben Casi ang kanyang buhay. | via 89.5 BNFM GENSAN | JANE ALIDO
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *