Lalaki tinamaan ng kidlat  sa Camarines Sur

NAGA CITY –Inoobserbahan pa ng mga doktor ang lalaking tinamaan nang kidlat kahapon habang nasa gitna ng palayan sa Minalabac Camarines Sur.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni PSSg Roger Luceña, imbestigador ng insidente.

Ayon dito, kaagad na nagamot ang natamong mga sugat ng biktima sa ibabang parte ng tiyan at sa kasalukuyan ay nagpapagaling na sa isang pagamutan sa Naga City.

Matatandaan, 2:45 ng hapon nang mangyari ang insidente sa Barangay Sagrada Familia, kung saan habang nagtatrabaho sa gitna ng sakahan ang 29-anyos na biktimang si Marlon Blanca ay tinamaan ito ng kidlat.

Malakas na boltahe ng kuryente ang gumapang sa katawan nito, dahilan upang mawalan ito ng malay.

Paalala ng mga otoridad sa publiko upang maiwasan ang ganitong mga pangyayari, manatili sa loob ng bahay at kung lalabas nama’y huwag magsusuot ng anumang alahas dahil ang metal ay kinikonsederang Good Conductor of Electricity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *