Lalaking bumaba sa riles ng MRT-3 para mag-selfie kakasuhan

Inihahanda na ng pamunuan ng Metro Rail Transit ang kasong Alarms and Scandals sa lalaking bumaba sa riles ng tren at sa kasama nito, para mag-selfie sa Quezon Avenue station (Northbound).

Naganap ang insidente bandang 7:15 ng gabi noong Linggo, Mayo 9, 2021 matapos mamataan ng guwardiya ng MRT-3 ang dalawang lalaki sa Quezon Avenue station na nasa baba sa riles ng linya.

Kinilala ang mga suspek na sina Jerald Oliva, 22 anyos, isang construction worker, na bumaba sa riles habang kumuha naman ng “selfie” si Rey Llasos, 28 anyos, isang tricycle driver.

Batay sa CCTV footage agad na rumispunde ang mga security guards ng MRT-3 nang makita si Oliva na nasa baba ng riles.

Nabatid na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbaba sa riles ng MRT-3 sa mga hindi awtorisadong indibidwal sapagkat delikado ito at maaaring ikapahamak hindi lang ng susuway sa patakaran ngunit gayundin ng iba pang pasahero ng linya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *