Lalaking exorsist sa Sri Lanka natuluyang mamatay matapos hilingin na ilibing ng buhay bilang bahagi ng exorcism

NATULUYAN ang isang exorcist na lalaki na si Maxi Castro ng Pelanwatti, Sri Lanka matapos nitong hilingin na ilibing siya ng buhay bilang bahagi umano ng kanyang exorcism.

Ayon sa isang guro na si Wasantha Bandara ang huling sinerbisyuhan nito, magaling na exorcist si Maxi kaya sa kanya siya lumapit upang mapaalis ang mga masasamang espiritu sa kanyang bahay.

Dagdag pa ng guro sa kasagsagan ng pag inspeksyun ni Maxi sa kanyang bahay bigla na lamang itong humiling na maghukay dahil hihigaan umano niya ito habang hawak ang kanyang espada ng patayo.

Bilin nito na kapag gumalaw ang espada ibig sabihin nun ay palatandaan na para hukayin siya, subalit tatlong oras na ang nakakalipas ay hindi parin gumagalaw ang espada mula sa kanyang hukay.

Kaya napagpasiyahan na ng guro at mga tao nito na muling hukayin  si Maxi, subalit sa kasamaang palad matapos itong hukayin tuluyan ng binawian ng buhay si Maxi at dineklarang patay nang ito ay isinugod sa ospital.###CD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *