Nakilala na ng mga otoridad ang lalaking gumamit ng pekeng pirma ng Mayor ng Las Piñas City.
Pinangalanan itong si Rovic Macariola na dati ng may patong-patong na kaso at naiugnay rin sa droga.
Una rito naglabas ng paalala ang pamahalaang lokal ng Las Piñas kahapon makaraan mahagip ng CCTV si Macariola na nagpupunta sa mga business establishment at nangangalap ng donasyon at maydala-dala pang sulat na may Pirma ni Mayor Imelda Aguilar.
Ayon kay Las Piñas City Police Chief P/Col. Jaime Santos, maging maingat at mapanuri sa mga nagpapakilalang may ugnayan sa mga tanggapan ng pamahalaan ng nasabing Lunsod.
Nanawagan rin ang PNP sa kung sino man ang makakita o makapagsasabi kung nasaan si Macariola ay agad ipagbigay alam sa kanila para hindi na dumami pa ang mabudol nito.