Lalaking gumawa ng kahalayan sa menor de edad na pamangking babae naaresto ng Capalonga Police

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Capalonga, Camarines Norte na gumawa umano ng kahalayan sa menor de edad na pamangkin.

Ginawa ang pag aresto ng mga tauhan ng Capalonga Municipal Police Station sa suspek na kinilalang si alyas Jay 32, may asawa at residentE ng naturang bayan Martes ng umaga, Nobyembre 8.

Sa bisa ito ng warrant of arrest na ipinalabas ng Regional Trial Court (RTC) Branch 64,  sa Labo, Camarines Norte na may petsang November 2, 2022 dahil sa kasong paglabag sa Section 5 (B), Article III ng Republic Act  7610 o Child Abuse dahil sa  Lasciviousness Conduct.

Ayon sa pulisya ginawan umano ng kalaswaan ni alyas Jay ang kanyang 14 anyos na pamangking babae na naganap noong buwan ng Hulyo taong kasalukuyan.

Nagrekomenda ang hukuman ng halagang P200,000.00 piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek na nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *