Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang isang lalaking wanted dahil sa pagpapaputok ng baril sa kanilang lugar sa Brgy. Macalamcam B, Rosario, Batangas.
Kinilala ng Rosario Municipal Police Station ang suspek na si Ricky Cortez y Agapay, nasa legal na edad, tubong Alabang, Muntinlupa at residente ngayon ng nabanggit na barangay .
Sinabi sa Brigada Batangas ng Rosario MPS na pasado alas-7:00 ng umaga nitong July 28 nang magsagawa ng operasyon ang kanilang puwersa sa pangunguna mismo ng kanilang hepe na si PMaj. Ronnie B Aurellano bitbit ang warrant of arrest laban akusado dahil sa kasong paglabag sa of RA 10591 o βComprehensive Firearms and Ammunition Regulation Actβ.
Ngunit hindi ng mga ito naabutan sa bahay ang akusado at sa halip ay ang ina nito ang kanilang nakausap.
Agad umanong tumakas ang akusado matapos malamang paparating ang puwersa ng mga kapulisan.
Matapos halughugin ay bahay ay narekober ang isang kalibre 38 revolver na baril at apat na bala.
Una rito ay inireklamo ng mga lokal na residente ang suspek dahil sa pagpapaputok umano nito ng baril.
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.