Lalaking inaresto dahil sa pananakit sa kinakasama nakuhaan din ng iligal na droga sa bayan ng Paracale

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaki sa Paracale, Camarines Norte makaraang ireklamo ng pananakit ng kaniyang kinakasama Miyerkules ng umaga, November 30.

Kinilala ang suspek na si alyas “ Popoy” 42 anyos,  minera at residente ng Purok 6, Brgy Tugos sa naturang bayan.

Ayon sa Police report inireklamo ang suspek ng kaniyang kinakasama dahil sa pananakit umano ng una sa huli.

Agad namang rumisponde ang mga tauhan ng Paracale Municipal Police Station at agarang inaresto ang suspek dahil sa paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children.

Pero habang isinasagawa ang body search sa suspek ay narekober dito ang isang piraso ng katamatamang laki at isang maliit na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang “shabu” na may tinatayang bigat na .6 gramo at may estimated street value naPhp6,000.00.

Nasa kustodiya ngayon ng Paracale Municipal Police Station ang suspek at mga narekober na ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.

Mahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangeous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *