Bumagsak na sa mga awtoridad ang lalaking itinuturing na most wanted person provincial level sa Calauan, Laguna na may kasong Acts of Lasciviousness.
Kinilala ni Laguna Police Provincial Office, Officer-in-Charge, Police Colonel Harold Depositar ang suspek na si alyas “Dionisio”.

Naaresto si Dionisio matapos ang isinagawang manhunt operation ng warrant personnel ng Calauan Municipal Police Station kasama ang 402nd AMC/RMFB4A sa Brgy. Sto. Tomas, Calauan, Laguna.
Naging posible naman ang pagkahuli sa suspek matapos ang bisa ng warrant of arrest na nilagdaan ng acting presiding judge of family court mula sa Regional Trial Court Branch 8.
Matapos masampahan ng kasong Acts of Lasciviousness ay nirekomendahan ng pyansang aabot ng Php 180,000 ang akusado.
Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng Calauan MPS ang suspek.
Maalala, matagumpay na nakahuli ng 19 Wanted Person ang Laguna PPO matapos ang ginanap nitong “Warrant Day” nitong nakaraang linggo.