Bumagsak na sa kamay ng Cavite Police Provincial Office ang isang lalaking itinuturing na Most Wanted Person- Regional Level sa ginawang intelligence-driven operation ng pulisya sa Brgy. San Nicolas III, Bacoor City, Cavite.
Kinilala ni Chief of Provincial Intelligence Unit, Police Lieutenant Colonel Marlo Solero ang suspek na si alyas “Chris”.
Matagumpay na naaresto ang suspek sa tulong ng inissue na Warrant of Arrest ng Regional Trial Court, Branch 199 National Capital Judicial Region, Las Piñas City.
Samantala, kasalukuyan ng nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang hinaharap ang kasong rape (2 counts).