Isang insidente ng pamamaril ang naganap kahapon sa bahagi ng National Highway ng Bgy. Tiniguiban , Puerto Princesa City.
Kinilala ang biktima na si Charlie Slivestre Loterte 29 anyos residente ng Purok Anonang Bgy. Sicsican habang kinilala ang suspek na si Johnrey Cabañero Rosiana 21 anyos, cellphone technician nakatira sa Purok Matiyaga Bgy. San Jose.
Ayon sa ulat ng Police Station 2 , nagkasundo ang dalawa kahapon na magkita sa harap ng establisyemento at mall para ibalik ng biktima ang kanyang nabiling cellphone sa suspek dahil sa ilang problema kaya hindi magamit ng maayos.
Nakatanggap pa umano ng mensahe ang biktima mula sa suspek “ Tawid ka sa kabila , nakamotor ako basta tawid ka sa kabilang side.” Nang biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang biktima mabuti na lamang ay hindi ito tinamaan.
Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng kanyang scooter motorcycle habang may nakakita dito kaya agad nadakip kahapon sa kanilang tahanan.
Kasong attempted murder ang inihahandang kaso laban sa suspek.