Lalaking malakas kumain, na-banned sa isang ‘eat all you can’ restaurant sa China

Changsha, CHINA— Marami saatin ang tumatangkilik sa mga restaurants o kainan na nag-aalok ng “eat all you can” promo.

Bukod kase sa affordable ang mga ito, patok na patok din ito saating mga Pinoy dahil likas sa ating katangian ang pagiging mahilig sa pagkain o pag ‘food trip’.

Ganunpaman, dumarating din pala ang pagkakataon na nalulugi ang isang kainan dahil sa gimik na ito, lalo na kapag na tyempuhan sila ng mga customer na malakas sa pagkain.

Ganito ang nangyari sa isang lalaki sa Changsha, China. Dahil kase sa lakas nitong kumain, nag desisyon ang isang eat all you can buffet resto doon na i-banned na siya sakanilang kainan at huwag nang tanggapin pa bilang kanilang customer.

Kinilala ang lalaki sa ngalan na “Kang” na ayon sa ulat ay pinagbawalan nang kumain sa Handadi Seafood BBQ Buffet. Hindi na kase umano natutuwa ang may-ari ng kainan matapos itong malugi, nang makailang beses na kumain sakanilang resto si Kang.

Nakakaubos kase umano ng 1 ½ kilo ng karneng baboy; apat na kilo ng hipon at 30 bottles ng soy milk ang lalaki sa bawat pagkain nito sa nasabing restaurant.

Paliwanag naman ni Kang, wala siyang nilabag na batas sakanyang ginawa at sa tingin niya, ito ay isang diskrimasyon para sa mga katulad niyang mahilig at malakas lang talagang kumain.

Samantala, umani naman ng samu’t-saring komento at reaksyon ang kwentong ito sa social media websites sa China kung saan nakatanggap ng pagtuligsa at kritisismo mula sa netizens ang naturang restaurant dahil hindi anila makatarungan ang pag banned sa isang customer na malakas kumain.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol

(Not the actual photo for illustration purpose only)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *