Lalaking may problema sa pag-iisip pinatakbo ang  pampasaherong jeep sa Naga City, isa sugatan

NAGA CITY – Sugatan ang rider ng motorsiklo matapos na mabangga ng jeep na pinatakbo ng may problema sa pag-iisip.

Napag-alaman na bumaba lamang saglit ang driver sa Concepcion Pequeña upang bumuli ng inumin sa tindahan, subalit laking gulat nito ng pinaharurot bigla ng isang lalaki at nabangga ang motorsiklo at SUV.

Inapakan pala nito ang silinyador ng jeepney hanggang sa umusok at natanggal ang dalawang gulong sa unahan ng sasakyan.

Napag-alaman naman ng Brigada News FM Naga kay Station Commander PMAJ. Joseph Enguero, bago pa mangayri ang aksidente ay sinubukang nakawin ng lalaki ang isang pedicab sa kalapit na barangay, kung kaya hinabol ito ng mga tao na sa mga oras na noon ay hubo’t hubad pa.

Dinala ng pulis sa himpilan ang lalaki at binihisan subalit bigla itong umalis at hindi na nila natutunton.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *