Lalaking nagalit sa pagtawa ng malakas sinaksak- patay!

Dead on arrival sa pagamutan ang isang binata matapos na dalawang beses saksakin ng suspek nitong Lunes, November 28, 2022 sa bahagi ng Proper dos barangay SamariƱana Brooke’s Point, Palawan.

Sa ulat ng PNP, ang biktima na si Ian Dino Gales Idusma, 45 anyos, binata habang kinilala naman ang suspek na si Margarito Valoroso Gregorio Jr. Alyas Junjun, 42 anyos, may asawa at parehong mga residente sa nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng kapulisan, kagabi ay pumunta ang biktima sa bahay ng kanyang kaibigan habang ang suspek naman ay nasa kalapit na bahay.

Hindi umano nagustuhan ni Idusma ang malakas na tawa ng suspek kaya sinugod ito, sinipa ang gate at naghamon ng away.

Nang lumabas naman si Gregorio ay agad nitong sinaksak ang biktima sa leeg at dibdib.

Samantala, napag-alaman na ang dalawa ay kapwa nasa impluwensya ng alak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *