Lalaking nagbanta sa social media  , arestado sa Daet Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Arestado ang isang lalaki sa ikinasang Entrapment Operation ng kapulisan, nitong June 28, 2022 sa St. John the Baptist Church sa Brgy. 1, Daet, Camarines Norte, dakong 4:40 ng hapon.

Kinilala ang suspek sa alyas na “ Ramil” 38 anyos, binata, at residente ng San Vicente, Camarines Norte, habang ang biktima naman ay kinilala sa alyas na “ Len-Len”, 28 anyos, dalaga, at residente naman ng Daet, Camarines Norte.

Ayun sa nasabing operasyon, ang suspek ay nagbabanta ng mga mensahe sa pamamagitan ng FB messenger na diumano ay ipagkakalat aniya nito ang mga hubad na videos ng biktima kapag ito ay hindi sumunod sa utos nito na makipagkita at magtungo ang dalaga sa  binanggit na lugar.

Ang dalaga ay agad na tumungo sa kapulisan at nagsumbong, sinama neto ang kapulisan na nagtungo sa nasabing lugar, at doon na  eto naaresto.

Nakumpiska sa suspek ang isang Oppo Cellphone at isang MIO Motorcycle na kulay black/ gray bearing na ginamit ng suspek.

Sa kabilang banda, inihahanda na ng Camarines Norte Provincial Anti-Cybercrime Response team ang kasong kakaharapin ng suspek.

Sa ngayon, kasalukuyang nasa kustodiya ng Daet MPS ang ang mga nakumpiskang mga ebidensya para sa kaukulang disposiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *