Lalaking nagnakaw ng kuryente, arestado

Hinainan na ng warrant of arrest ang lalaking nadakip noon at sinampahan ng kaso ng Soreco Dos dahil sa pagnanakaw ng kuryente sa Brgy Buhatan, East District, Sorsogon City.

Inaresto kahapon, Marso 2 ng mga tauhan ng Sorsogon City Police si Manuel Daria, naninirahan sa nasabing barangay.

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 52 na may petsang Pebrero 28, 2023 sa kasong paglabag sa section 2 ng RA 7832 o ang Anti-Pilferage Act of 1994 na may itinakdang piyansa na P60K.

Sa impormasyon na natanggap ng Brigada News, nahuli ng mga personahe ng Soreco Dos na nagkabit ang suspek ng iligal na gawad ng kuryente na naging dahilan sa pagsampa ng naturang kaso.

Ang Republic Act 7832 o Anti-Pilferage Act of 1994 ay isang batas na mahigpit at direktang ipinagbabawal ang pagnanakaw ng kuryente sa pamamagitan ng paggamit ng jumper, flying connection, at iba pa, gayun din an gang pagnanakaw sa mga materyales na ginagamit sa transmisyon o distribusyon nito.

Ang NGCP, kasama ang iba pang ahensya, ay mahigpit na pinapatupad ang batas na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *