Lalaking nagnanakaw umano nabaril-patay sa Pili, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Nabaril-patay ng guwardiya sa Pili, Camarines Sur ang umano’y magnanakaw sa isang junk shop.

Nangyari ang insidente sa Rey Sto. Domingo Junk Shop sa Brgy. Tagbong bandang alas 3:45 ng hapon nitong linggo Hunyo 4, 2023.

Sa ulat ng PNP habang nagroronda ang security guard na si Daniel Larcina y Villaluna, tatlong mga hindi pa nakikilalang lalaki ang nakitang nagnanakaw ng bakal sa kanilang junk shop, bumunot ng hindi mabatid na kalibre ng baril at sinubukang tutukan ang guwardiya at doon na binaril habang na nagresulta sa pagkasawi. Nakatakas naman ang dalawa pang kasamahan.

Ayon kay PLTCol. Joffrey Todeño Chief Police ng Pili PNP, lumalabas sa imbestigasyon na posibleng  kasama ang suspek sa grupong nag ooperate sa bayan at sa mga katabing munisipyo.

Sinabi rin ni PCPT. Rudel Realo, Deputy Chief of Police, nag-ikot na sila sa mga barangay upang magtanong sa pagkakakilanlan ng suspek pero walang nakakakilala. Wala ring umaako sa bangkay.

Nasa kostudiya pa ng PNP ang guwardiya para sa nagpapatuloy na imbestigasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *