Lalaking nagpabakuna sa pekeng braso upang makakuha ng vaccination card, kalaboso

Buking ang isang 50 anyos na lalaki sa Italy matapos nitong subukang magpabakuna gamit ang pekeng braso para lamang makakuha ng vaccination card.

Ayon sa report, nagtungo sa vaccination site ang lalaking hindi muna pinangalanan dala ang kanyang silicone na braso sa pag-asang hindi ito mapapansin ng mga nurse.

Pero naging alerto naman ang nurse nang maramdaman nitong “rubbery” at malamig ang braso ng lalaki.

Hinimok pa umano siya ng lalaki na huwag nang isumbong at pagbigyan na lamang siya sa kanyang request na vaccination card pero nanindigan itong i-report sa pulis.

Napag-alamang ang lalaki ay isang health worker pero suspendido ito sa trabaho dahil hindi pa ito bakunado.

Napag-alamang mandatory sa mga health workers ang bakuna kontra COVID-19 sa Italy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *