Lalaking nanaginip na nanalo sa lottery sa Amerika, nanalo ng triple sa kanyang napanaginipang premyo

Totoo ngang ‘dreams do come true’ para sa isang lottery bettor sa Kansas sa Amerika matapos na magkatotoo ang napanaginipan nitong nanalo siya sa lottery.

Pero hindi lamang ito basta nagkatotoo dahil triple pa sa kanyang napanaginipang premyo ang kanyang tinamaan sa totoong buhay.

Ayon kay Mason Krentz ng Silver Lake, dalawang araw bago siya nanalo ay malinaw na malinaw sa kanyang panaginip na nanalo siya ng $25,000 sa lottery.

Dahil sa kanyang panaginip ay mas naengganyo umano siyang tumaya kung kaya bumili siya ng 100X scratch-off ticket sa Buy and Ride 7 store sa Topeka.

Laking gulat nito nang makitang hindi lamang $25,000 tulad ng kanyang napanaginipan ang kanyang napanalunan kundi $75,000.

Ayon kay Krentz, ibibili niya ng bagong sasakyan ang kanyang misis at kukuha rin siya ng lupa sa Silver Lake habang ang iba pa ay mapupunta sa kanyang mutual fund o maaaring gamitin na rin umano nila sa pagpapagawa ng bahay. || Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *