Lalaking tumawid sa EDSA Busway sa Pasay City, patay matapos masagasaan ng bus

Patay ang isang lalaki nang masagasaan ito ng bus matapos tumawid sa gitna ng EDSA busway sa southbound rotonda sa Pasay kagabi.

Kwento ng driver ng bus, biglang sumulpot ang biktima sa EDSA busway para tumawid at hindi niya agad ito napansin.

Humampas ang ulo nito sa windshield ng bus at tumalsik ang katawan sa kalsada.

Agad naman dumating sa lugar ang Road Emergency Unit ng MMDA para respondehan ang nangyaring insidente.

Muling nagpapaalala ang Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) at Department of Transportation (DOTr) na tumawid sa tamang tawiran at matutong gumamit ng mga overpass o underpass para maiwasan ang ganitong aksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *