Lalaking tumunganga lang ng 2 oras sakanyang vlog humakot ng 5-millon views

Indonesia– Habang ang ibang vlogger ay nahihirapan sa pag-iisip ng content para makahakot ng maraming views at likes sa Youtube, isang youtuber mula sa Indonesia ang effortless na humakot ng milyong-milyong views sakanyang naisip na content.

Dalawang oras lang naman siyang tumunganga sa kanyang vlog at sa hindi inaasahang pangyayari humakot ito ng 5-Million views.

Ang uploader ng naturang video ay si Ruselle Peters, o mas kilala bilang Sobat Miskin Official sa kanyang Youtube channel. Sa account na ito makikita ang kanyang mga kakaibang content na hindi karaniwang ginagawa ng maraming vlogger

Kagaya nalamang ng kanyang video na umani ng milyong views at likes  dahil sa pagtunganga niya sa dalawang oras na vlog.

Sa unang tingin, aakalain mong may kakaibang mangyayari ngunit natapos na ang naturang video hindi  pa rin gumagalaw si Ruselle, dalawang oras siyang nakatunganga sa camera habang walang bahid ng emosyon ang kanyang mukha.

Hindi mo aakalaing ang ganitong klaseng video ay tatangkilikin ng marami, wala mang kwentang maituturing ang kanyang video ang mahalaga ay nakapag bigay aliw siya sa mga manunuod sa kabila ng poker face niyang mukha.|| CHRISTINE RA√ĎA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *