Lalawigan ng Catanduanes, nakiisa sa isinagawang “Pray as one: Heal as one” – Prayer for the nation, kahapon

BICOL—Bilang pagtalima sa ibinabang memorandum ni Sec. Salvador Medialdea kaugnay ng pagbibigay direktiba sa mga lokal na pamahalaan sa bansa na makiisa sa “Pray as One: Heal As One – Prayer for the Nation, idinaos kahapon sa lalawigan ng Catanduanes ang sabayang pagdarasal o pananalangin na na may layuning mawakasan na ang nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Pasado alas 3:00 ng hapon nitong Linggo, nang magsimula ang sabayang pagdarasal sa isla na dinaluhan ng iba’t-ibang mga lider ng sektor ng simbahan at mga religious groups, sa pangunguna ng pamahalaang panlalawigan.

Simultaneous ring napakinggan ang naturang panalangin sa mga istasyon ng radyo, para makalahok ang mga residente sa isla na nasa malalayong lugar at kahit nasa kani-kanilang bahay lamang.

Maliban dito, live ring ipinalabas ang aktibad sa social media platforms ng provincial government na nagtapos pasado alas 5:00 ng hapon. Kaugnay nito, nagpasa rin ng resolusyon ang Sangguniang Panlalawigan na nag de-deklara sa Mayo 30 bilang “Provincial Interfaith Day.”###

Leave a Reply

Your email address will not be published.