Lalawigan ng Sorsogon magkakaroon na ng mga dialysis center

Magkakaroon na ng bagong dialysis center ang lalawigan ng Sorsogon.

Sa pagtitipon kasama ang mga opisyal ng bawat bayan, sinabi ni Governor Boboy Hamor na sa mga susunod na linggo ay sisimulan na ang pagpapatayo ng mga bagong dialysis centers sa mga bayan ng Irosin at Gubat.

Pagtapos na umano ang nasabing mga pasilidad ay bibili na rinĀ  ang Pamahalaang Lalawigan ng 50 mga dialysis machines.

Ang 25 umano nito ay ilalagay sa Irosin at ang natitirang 25 naman ay ilalagay sa bayan ng Gubat na inaasahang magiging malaking tulong sa mga indigent at financially incapacitated para sa kanilang pagpapagamot lalo na at libre ito sa lahat ng mga mamamayan ng lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *