Lamay , naging rason Granular lockdown sa Calabanga camarines sur ; 52 pamilya apektado

NAGA CITY – Apektado ng pinapatupad na zone granular lockdown ang nasa 52 na pamilya o may 45 household na mga nakatira sa Zone 7 , Barangay Sta.Salud sa bayan ng Calabanga , Camarines Sur dahil sa COVID-19.

Bukod sa mga kabahayan, pansamantalang isinara din ang slaughter house at ang dinarayong Hinulid Shrine.

Kung pagbabatayan ang datus ng LGU-Calabanga, may walong nagpositibo sa virus sa barangay na galing sa tatlong pamilya.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Calabanga Mayor Eduardo Severo, sinabi nito na kailangan nilang gawin ang hakbang na ito dahil lumalabas sa contact tracing na nag simula ang virus sa nangyaring lamayan ng patay sa nabanggit na

May mga pagkain at iba pang ayudang ibinigay na rin sina Severo sa mga apektadong pamilya.

Paulit-ulit na sinasabi ng IATF na bawal ang pagtitipon ng maraming indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *