Lambak ng Cagayan, zero case sa child pornography noong 2022

Kinumpirma ng DSWD Regional Field Office 2 na walang naitalang kaso ng child pornography sa Lambak ng Cagayan noong 2022.

Ang anunsyo ay ibinahagi ni Kathleen Kaye Supranes kaalinsabay ng pagbubukas ng Safer Internet Day at National Awareness Week for the Prevention of Child Sexual Abuse and Exploitation.

Dagdag pa ng kawani ng DSWD RFO2, mula sa datos ng PNP at DOJ ay mayroong dalawang kaso ang naitala noong 2021 habang zero case naman sa 2022.

Dahil dito, tiniyak naman ng ahensya ang maigting na kampanya laban sa child pornography.

Ito ay alinsunod sa RA 11930 o An act punishing online sexual abuse of exploitation of children, penalizing the production, distribution, possession and access of child sexual abuse or exploitation material.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *