Lao, di nagdeklara ng kita noong tumaas ang kanyang SALN

Di umano nakapagdeklara ng kaniyang kita si former Budget undersecretary Christopher Lloyd Lao noong mga panahon na tumaas ang kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN).

Sa isang Senate hearing, hiniling ni Senator Imee Marcos kay Lao na ipaliwanag kung bakit zero income ito mula 2017 hanggang 2019 gayong tumaas naman ang net income nito.

Ayon kay Lao, hindi na umano dineklara ng kaniyang asawa ang mga kinita nito sa pagbebenta ng mga memorial lots at golf course property dahilan upang hindi ito maisama sa income tax return (ITR).

Wala rin umano nakadeklarang kita sa kaniyang ITR dahil nagpapractice pa lamang siya sa law office noong mga taong iyon.

Giit ni Marcos, dapat ay magdeklara pa rin si Lao ng kaniyang kita dahil isa siyang opisyal ng gobyerno.

Dapat rin umanong magbigay si Lao ng mas maayos na tala ng kanyang kita.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *