LARAWAN NG MGA SUSPEK SA PANGHOHOLDAP SA BRGY. SAN JOSE, INILABAS NA NG PNP

Naisampa na kahapon, February 17, 2023 ng Puerto Princesa City Police Office ang kasong Robbery with Homicide sa tatlong (3) suspek na nakatakas sa panghoholdap noong February 01, 2023 sa isang karenderya sa Barangay San Jose.

Sa ulat ng PNP, ang mga suspek ay kinilalang sina Jhon Dela Cruz alyas Buddy Dela Cruz, Alim Enggos alyas Alim at si Alias Kobet na pawang mga residente ng Quezon, Palawan.

Inilabas na rin ng mga awtoridad ang larawan ng mga suspek at hinikayat na ipagbigay alam sa mga awtoridad ang impormasyon na makapagtuturo sa mga ito. Maaaring i-contact ang PNP sa kanilang hotline numbers na 0998-598-5904, 0908-820-1910 o di kaya ipaalam sa pinakamalapit na police stations.

Samanatala, hiniling ng pulisya na maging alerto ang mga mamamayan at agad i-report sa kanila ang mga kahina-hinalang mga tao sa inyong mga lugar upang agad mabigyan ng kaukulang aksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *