Largest margin sa NBA history 73-points naitala ng Memphis kontra OKC

Naitala sa kasaysayan ng NBA ang laban ng Memphis Grizzlies at Oklahoma City Thunder.

Ito ay matapos tambakan ng Memphis ang Thunder ng 73-points sa pamamagitan ng 152-79 win.

Ito na ang largest margin sa NBA history at nalampasan ang 68-point victory ng Cleveland Cavaliers sa Miami Heat noong Dec. 17, 1991.

Maliban dito naitala din ng Grizzlies ang single-game franchise records for points, bench points matapos magtala ng 93 at field goal percentage sa 62.5%.

Ang panalo ng blowout win ng Memphis ay ikatlong sunod na panalo ng koponan sa nagpapatuloy na 2021-2022 NBA season.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *