Magsisimula na ngayong araw ang nakatakdang water interruption ng Maynilad hanggang Nobyembre 2 sa Las Piñas at Cavite.
Ito’y dahil papalitan ng water provider ang ultrafiltration membranes sa Putatan Water Treatment Plant 2 nang mapanatili ang optimum filtration capacity ng planta.
Kaugnay rito, mawawalan ng suplay ng tubig sa mga nabanggit na lugar simula alas-singko ng hapon hanggang alas-sais ng umaga.
Sa huli, sinabi ng Maynilad na unang batch sa pagpapalit ng ultrafiltration membranes kaya asahan na may panibagong abiso silang ilalabas.