Lasing na estudyante arestado dahil sa pag-ihi sa isang pasahero sa isang flight sa New York

Isang lasing na estudyante ang inaresto ng mga awtoridad matapos niyang ihian ang isang lalaking pasahero sa American Airlines flight mula New York papuntang New Delhi sa India.

Ayon sa ulat , kinilala ang estudyante na si Arya Vohra, 21-taong-gulang.

Sa isang pahayag sa Indian media, sinabi ng American Airlines na ang pasahero ay lasing na lasing at hindi sumunod sa mga instructions ng mga crew ng eroplano.

Gagawa na ng aksyon ang Delhi police laban sa estudyante.

Ito na ang pangalawang insidente na kinasasangkutan ng isang pasahero na umihi sa kapwa pasahero sa flight sa pagitan ng New York at New Delhi.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *