Lasing na missing, sumama sa paghahanap sa kanyang search team

Gaya ng kanyang pangalan na nangangahulugang “happy”, nagdulot ng aliw sa social media world ang 50-anyos na lalaki sa Turkey matapos itong sumama sa search team na naghahanap sa kanya.

Ang lalaking lasing na nakilalang si Beyhan Mutlu o nangangahulugang ‘happy’ ay nakipag-inuman umano sa mga kaibigan nito nang mawala sa kagubatan ng Bursa province.

Agad namang inalerto ng asawa at mga kaibigan nito ang mga otoridad na agad ring nagpadala ng search team.

Habang sinusuyod ang kagubatan, walang kamalay-malay ang search team na kasa-kasama na pala nila ang lalaking kanilang hinahanap.

Habang lumalaon sa paghahanap ay nagtawag na ng pangalan ang search party.

Dito na nila napag-alamang kasama lang pala nila ang hinahanap na si Mutlu matapos itong sumigaw mula mismo sa kanilang grupo ng “I am here”.

Hiling nito sa mga otordiad huwag siyang parusahan at papatayin daw siya ng kanyang ama.

Inihatid naman ng mga pulis si Mutlu sa bahay nito pero hindi malinaw sa report kung pinawatan ito ng multa.|| Shiela Madrigalejos

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *