Lasing sa Palawan, nanghampas ng bote at nanuntok ng pulis

Himas-rehas ngayon ang 32-anyos na si Oliver Miraflores Villafuerto matapos na ireklamo ng panghahampas ng bote sa menor de edad.

Nangyari ito sa Purok Republic, Brgy. 4, Roxas, Palawan madaling araw ng linggo, Ika-30 ng Hunyo.

Maliban dito, nagawa rin suntukin ni Oliver ang rumesponding pulis.

Dahil dito, nahaharap siya sa patong-patong na kaso ng Physical Injury, Disobedience and Direct Assault Upon Agent in person in Authority.

Iniulat ng pulisya na lasing umano si Oliver nang gawin niya ang mga bagay na iyon.

Samantala, agad na isinailalim sa inquest proceeding ang naaresto at iniharap sa piskalya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *