Launching ng End Stunting Campaign ng BNFM Naga sa Barangay Concepcion naging matagumpay sa kabila ng pag-ulan

NAGA CITY- Naging matagumpay ang “End Stunting Now!” Advocacy, Launched to End a Silent Pandemic sa Concepcion Pequeña, Naga City sa gitna pa yan ng pag-uulan, Enero 21, 2023 ng umaga.

Sa mga bata, umaga pa lamang nakapagrehistro na ng 81 na nais mag pa konsulta; may iba’t-iba ang taas, iba-iba ang timbang.

Kasama rin ang 43 na mga buntis na nagpa konsulta rin, mayroon ring mga walk in na nakinig ng talk.

Paglaban din sa malnutrisyon ang isa sa mga tinututukang programa sa pinakamalaking Barangay sa Naga.

Kita ang ngiti sa mga labi ng mga bata nang makatangggap ng Yummy Vit Multivitamins Syrup. Nasundan pa ng pagkain para sa mga bata at nanay.  Dumagdag pa ito sa pagkabusog sa mga salita mula sa mga doktor ng Camarines Sur Medial Society at Bicol Medical Center na silang katuwang sa programa.

Ilang mga buntis at bata naman ang nakatanggap ng papremyo kaugnay ng kaarawan ni Brigada Group of Companies Vice Chairman Yelcy Yasay Catulpos.

Labis naman ang tuwa ng Barangay sa isa nanamang programa upang matulungan ang mga bata sa pag-abot ng magandang kinabukasan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *