Launching ng National Coconut farmers and industry development plan isinagawa kahapon sa Quezon convention center – PCA Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Philippine Coconut Authority (PCA) Bicol na nagsagawa kahapon ng Launching Event ng Coconut Farmers and Industry Development Plan sa Quezon Convention Center sa Lucena City, Quezon.

Pinangunahan ni Sec William Dar, Sen Cynthia Villar at iba pang opisyal ng gobyerno ang nasabing aktbidad. Ayon kay Regional Manager Bong Zipagan, ilalahad na rito ang pinirmahan ni President Rodrigo Roa Duterte na plano para maipatupad ang RA 11524 o Coconut Farmers and Industry Development Trust Fund Act of 2021.

Aniya, nakasaad sa batas kung papaano gagamitin ang P75B na pera na galing sa coconut levy kung saan matagal ng hinihintay ng mga ito.

Dagdag pa nito, tinatarget rin ng ahensya sa Bicol na makapagrehistro ang mga magsasaka ng niyog sa National Coconut Farmers Registry System na 345K sa rehiyon habang 10M sa buong Pilipinas na coconut farmers upang makapag avail ng benipisyo na galing sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP).

Sa ngayon ay nakapagsurvey na ang mga ito ng mahigit sa 100 pa lang sa Bicol na magsasaka ng niyog.

Nilinaw din nito na ang pondo na galing sa trust fund ay hindi na dadaan sa PCA at diretso na ito sa PCIC o depende sa target ng programa.

Sinabi ng opisyal, inaasahan rin ang launching sa Bicol ng Coconut Farmers and Industry Development Plan sa darating na July 12 2022 upang malaman kung ilan sa bawat lalawigan ang mabibigyan o benipisyo ng nasabing mga programa.

Naghanda rin ng mga booth sa aktibidad para magbigay ng impormasyon sa mga programa at proyekto na makikinabang sa mga smallholder coconut farmers at farm workers.

May mga stall din kung saan makakabili ng mga produkto ng niyog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *