Laurel, aminadong malabo pa ang pangakong P20 na kada kilo ng bigas ni Pangulong Marcos

Aminado rin si Bagong Agriculture Sec. Kiko Laurel na hindi pa posible sa ngayon na makamit ang ipinangakong P20 kada kilo na bigas ni Pangulong Bongbong Marcos.

Sa isang pulong balitaan kasabay ng kaniyang unang araw sa trabaho – sinabi ni Laurel na nananatili pa rin itong aspiration sa ngayon.

Aniya, kung titingnan ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi pa ito posible.

Sa kabila niyan, kasabay daw ng direktiba ng Pangulo ay sinisikap nilang gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas sa merkado.

Nangako rin si Laurel na hindi siya ‘pro-importation’ at sisikapin nilang hindi na lamang puro paga-angkat ang ginagawa ng DA.

Sabi niya, ilalatag daw nila ang mga hakbang para sa ‘pro-production’ para mapalakas pa ang lokal na produksyon ng pagkain sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *