League of governors at PNP magpupulong kasunod ng pagpatay kay Degamo

Nakatakdang magpulong ang League of Governors at Philippine National Police bukas para pag-usapan ang threat assessment sa mga gobernador kasunod ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Ayon kay LPP President at South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., pag-uusapan sa pulong ang naging loopholes ng PNP at kung ano pa ang dapat gawin para mabigyan ng seguridad ang mga lokal na opisyal.

Hinimok din ng LPP president ang mga kapwa gobernador na paigtingin ang kanilang personal na seguridad.

Kinondena rin ni Tamayo ang insidente at inihayag ang pagkabahala sa sunod-sunod na pag-atake laban sa mga lokal na opisyal.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *