Lebel ng mga pangunahing dam, bahagyang nakarekober dahil sa pag-ulan

Bahagyang tumaas at na-‘recharge’ ang lebel ng mga pangunahing dam na nagsusuplay ng tubig sa malaking bahagi ng Greater Manila.

Ito ay makaraang bumaba ang lebel ng tubig dahil sa tag-init – dahilan para magpatupad ng mga rotational water supply interruptions ang ilang water concessionaires.

Ayon kay National Water Resources Board Executive Director Sevillo David, Jr., naitala na ang normal na operating level ng Angat Dam sa 190 meters.

Isa sa mga dahilan nito ay ang mga pag-ulan.

Ngayong opisyal naman nang idineklara ang rainy season, tinututukan naman sa ngayon ng NWRB ang posibleng dam spillages.

Umaasa raw sila na mananatiling normal lang ang lebel sa mga dam pero ‘wag naman daw sanang mapuno ito para ‘di na kailangan pang magpakawala ng tubig sa oras na magtuluy-tuloy ang mga pag-ulan.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *