Lebel ng tubig sa Brgy. Isugod Quezon, balik normal na

Balik na ulit sa normal ang lebel ng tubig sa source sa Brgy. Isugod Quezon, Palawan na pinagkukunanan ng tubig ng mga taga- Quezon.

Ayon kay Kapitana Glendy Cacho ng Brgy.isugod, ito ay matapos ang naranasang pag ulan sa lugar nito lamang nakaraang araw kaya umangat ang tubig mula sa source.

Mababatid na  nabanggit sa regular ng sessyon ng Sangguniang Bayan ng Quezon na bumababa na ang lebel ng water source dahil sa tag-init, kaya pinangambahan ito ng mga mambabatas.

Samantala, una ng sinabi ng pamunuan ng water system sa news team na sapat pa ang suplay kahit makaranas ng mahabang tag init dahil sa napupunuan naman ito kaagad sa gabi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *