Inaabangan na ang paghaharap ng pinakamatinding rivalry sa NBA , ang banggaan nina LeBron James at Stephen Curry sa second round ng Western Conference ngayong umaga oras sa Pilipinas.
Galing ang Lakers sa panalo sa first-round series laban sa No. 2 seed Memphis Grizzlies, habang nakatakas ang Warriors sa No. 3 Sacramento Kingssa 50 points ni Curry sa Game 7 noong Linggo.

Ang panalo ng Warriors ay nagtatakda ng isang nakaaabang na showdown laban kay LeBron at sa Los Angeles Lakers.
Magkakaroon ng home-court advantage ang Warriors, ngunit kinilala ni Curry na ang Lakers ay impresibo sa kanilang mga naging laro at kailangan maghanda ng husto kontra sa Lake Show.
Ang kasiyahang bumabalot sa labanan na ito ay nagdulot ng malaking media attention, at ang mga fans sa buong mundo ay nag-aabang sa series na mag-uumpisa sa homecourt ng GSW.//CA