Lebron James, nakapagtala ng season-high na 39 points matapos talunin ang Spurs

Nakapagtala ng season high na 39 points ang NBA Superstar na si Lebron James para pangunahan ang anim na manlalaro ng Los Angeles sa double figures nang talunin ng Lakers ang San Antonio Spurs sa ikalawang pagkakataon sa loob ng dalawang araw sa score na 143-138.

Si James na umiskor ng 21 points sa kanyang pagbabalik mula sa groin injury.

Nagtala ng 11 rebounds at may perfect 10-for-10 mula sa free-throw line si James.

Nasa downward spiral naman ang Spurs na nalasap ang ika-walong pagkatalo at tatlo dito ay mula sa Lakers.

Sa panig ng Spurs, pito sa mga players ang naka-double figures na pinangunahan ni Keldon Johnson na nakapagtala ng 26 points, 23 mula kay Jones at 20 naman kay Devin Vassell.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *