Lebron James, nakuha ang 38,000 career points

Nakuha ni Lebron James ang 38,000 career points sa laban nito kontra Philadelpia 76ers.

Dahil dito sinamahan ni Lebron si Kareem Abdul-Jabbar sa mga player na may 38,000 points sa kanilang karera.

Una nang naungusan ni James si Karl Malone sa all-time scoring list noong March 2022.

Samantala kung magpapatuloy ang laro ng Lakers star posibleng mapalitan nito si Kareem sa no. 1 NBA’s all-time scoring list ngayong taon.

Nabatid na mahigit 300 puntos nalang ang kailangan bunuin ni James para makuha ang naturang milestone. (LOS ANGELES LAKERS PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *