LEDAC, itinutulak ang ratipikasyon ng RCEP at pagpasa ng 10 priority bills

Inihayag ng Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC ang commitment nito na itulak ang ratipikasyon ng partisipasyon ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP mega free trade deal.

Sinabi ng Malacañang na si Senate President Juan Miguel Zubiri at si Senador Loren Legarda ay nagpahayag ng kanilang pangako na magkasamang ipagtatanggol ang ratipikasyon ng RCEP sa Senado.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng Senado ang RCEP, na ang mga pagdinig ay kasalukuyang nasa antas ng sub-committee. Nauna nang sinabi ni Zubiri na target ng Senado na pagtibayin ang RCEP trade agreement sa unang quarter ngayong taon taon.

Samantala, napagkasunduan din ng Palasyo at Kongreso na isulong ang pagpasa sa Maharlika bil, at siyam na iba pang priority bills sa June 2 o sa sine die adjournment para sa unang regular na sesyon ng 19th Congress.

Kabilang sa mga priority measures na ipapasa ay ang pag amyenda sa Build-Operate-Transfer Law/Public-Private Partnership bill, Medical Reserve Corps, Philippine Center for Disease Prevention and Control, paglikha ng Virology Institute of the Philippines, at Mandatory Reserve Officers Training Corps at National Service Training Program.

Bukod sa Maharlika bill, ang iba pang hakbang na nakatakdang maipasa sa Hunyo ay ang Condonation of Unpaid Amortization and Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries, Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Attrition law/AFP Fixed Term at ang Salt Industry Development Bill.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *