Legal team ng COMELEC, nakahanda na sa kanilang kampanya laban sa vote buying ngayong darating na BSKE sa Oktubre

Handang-handa na ang legal team ng Commission on Election (COMELEC) para sa kanilang kampanya Kontra Bigay o Vote Buying ngayong darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE) sa Oktubre.

Sa panayam ng Brigada kay COMELEC Chair, George Garcia, sinabi nito na nagkaroon na ng coordination ang kanilang Kontra Bigay committee sa ibaโ€™t ibang ahensya ng pamahalaan.

Ayon pa kay Garcia, magapatupad ng “money ban” ang komisyon 5 araw bago at sa mismong araw ng BSKE kung saan sa ilalim ng kautusang ito ay bawal ang pagbyahe at pagbibitbit ng cash na aabot sa P500,000 o anumang foreign currency na katumbas ng naturang halaga.

Samantala, pinaplanong ring obligahin ng COMELEC ang mga e-wallet platforms na magpasa ng listahan ng transaksyon dahil baka magamit rin ito sa pagbili ng boto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *