Legalidad sa pamamasada na gamit ang motorsiklo, susuriin ng Sangguniang Panlungsod

Susuriin sa Committee on Transportation ang legalidad nang pag-pickup o pagkuha ng pasahero ng mga angkas services.Sa privilege speech ni Konsehal Nesario Awat, kahit anumang “economic activity” dapat mayroong kaukulang permit mula sa City Government.

Napag-alaman din ng lokal na mambabatas na wala pang batas o maging ordinansa na nagre-regulate sa ganitong operasyon, kaya naisipan nitong pag-usapan sa ilalim ng hawak niyang komite upang maliwanagan at makapagpasa ng kaukulang rekomendasyon.

Nilinaw rin ni Awat, na wala siyang personal na “knowledge” sa isyu at lumabas lamang ito nang kapanayamin sa radyo.

Kung matatandaan ay tinalakay sa Brigada News FM ang operasyon ng Backride Palawan na kung saan nilinaw ng Business Permit & Licensing Office (BPLO) na ang permit ng transport service na ito ay para lamang sa “delivery of goods” na inisyu sa kanila noong 2021 pero hindi nila ni-renew.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *