Legalization ng medical use ng cannabis, umusad na sa Kamara

Umusad na sa Kamara ang panukalang isalegal ang medical cannabis.

Ito ay matapos bumuo ng joint technical working group (TWG) kahapon, kasabay ng hiling na i-consolidate ang 8 panukala na nais magkaroon ng right of access sa medical cannabis bilang alternatibong medical treatment, o ang pag-aalis ng cannabis mula sa listahan ng prohibitive substances sa ilalim ng Republic Act (RA) No.9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Kaugnay nito, mababatid na ang ika-9 na bill ang siyang tuma-target na buoin ang Philippine Cannabis Development Authority.

Ang mosyon para buoin ang joint TWG ay ginawa ni Dangerous drugs panel chairman Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, at pangungunahan ito nina Batangas 2nd district Rep. Gerville Luistro at MALASAKIT@BAYANIHAN Party-list Rep. Anthony Rolando Golez Jr.

Samantala, nakikita naman ni Department of Health (DOH) Director Rodley Carza ang potensyal na benepisyo ng medical cannabis, ngunit iginiit nito na kailangan pa ring magkaroon ng mas matibay na ebidensya sa efficacy ng naturang substance.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *