Legarda nais maimbestigahan sa senado ang oil spill sa Mindoro

Nanawagan si Senate President Pro Tempore Loren Legarda sa Senado na agad na magsagawa ng imbestigasyon sa epekto sa kapaligiran, kalusugan, at turismo ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sa isang Senate Resolution, hinimok ni Legarda ang isang whole-of-government approach sa pamamagitan ng Department of Environment and Natural Resources , Department of Health , Department of Tourism , Philippine Coast Guard , m Maritime Industry Authority, Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, at iba pang responsableng ahensya ng gobyerno, sa pagtugon sa masamang epekto ng oil spill.

Ang oil spill ay nag-iwan ng malawak na problema sa maraming lokal sa lugar at sa mga karatig na probinsya nito, kabilang ang Antique, ang home province ng Legarda.

Nagpahayag si Legarda ng pagkabahala sa malubhang epekto nito sa marine sanctuaries, kabilang ang libu-libong ektarya ng bakawan, reef, at seagrass bed, turismo ng rehiyon pati na rin ang kalusugan ng mga residente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *